Magpapadala ang Pilipinas ng 2 batalyon ng sundalo sa Iraq matapos itaas sa alert level 4 ang naturang bansa sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.
“Sabi ni Pangulong Duterte, one Army and one Marine battalion. Pinagpre-prepare niya dalawang battalion,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
“The Philippines will send soldiers to help repatriate Filipinos from Iraq, where the killing of an Iranian general in a US drone strike stoked fresh tensions,” dagdag pa nito.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi aatake ngunit tutulong lang ang mga nasabing sundalo sa pagpapalikas sa mga Pilipino, lalo na sa mga nakatira sa Iraq.
Handa na ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG), C-130 planes ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 2 batalyon ng sundalo para sa repatriation ng mga Pinoy na nandoon.
Ayon sa PCG, naghahanda na ang BRP Gabriela Silang at ang 35 crew members nito na kasalukuyang nakadaong sa Malta freeport na lumayag sa Middle East partikular sa Oman o Dubai para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Piony sa pamamagitan ng ferry missions.
Sakali aniyang magkagulo, dadalhin ang mga Pinoy sa mas ligtas na mga pantalan kung saan maaring ilipad ang mga ito kung kinakailangan.
Dagdag pa ng PCG na magdedeploy sila ng 18 na dagdag na crew members para tumulong sa BRP Gabriela Silang para sa matagumpay na first-ever mission sa Middle East.
“Hindi sila magpunta dun para makipaglaban. Baka magkabiglang magkaroon talaga ng crisis dun, we have to go there immediately,” ani Lorenzana.
Gayunpaman, hindi pipilitin ang mga Pinoy na ayaw magpalikas.
“We have to respect kung ano ‘yung gusto nila especially kung Iranian or Iraqi citizens ‘yung kanilang spouses… But we have to make sure that they are also safe,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año .
Samantala, nagsimula na ang Iran sa paghihiganti nito sa Estados Unidos matapos ang pagkasawi sa airstrike ni top Iranian official na si General Qasem Soleimani noong nakaraang linggo.
Base sa impormasyon, magkakasunod na airstrike ang bumagsak sa Ain al-Assad military base.
Ang nasabing base ay pinananatilihan ng US troops na responsable umano sa airstrike na nakapatay kay Soleimani.
More Comments